Moriones Festival 2021 in Marinduque
by Rdm Designs
Ang Moriones ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus. Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa lansangan.
Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at ikalabingpitong siglo na morion.
Ang pistang ito ay sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.
No comments:
Post a Comment