Ulong Beach, Capayang, Marinduque, Philippines |
Virtual Tour At Maikling Tula
by Rdm Designs
Memories ba kamo?
Mga kabayan, marahil halos lahat tayo ay napakaraming alaala na meron dito..Sa dagat na ito kung saan ay naging saksi ito sa ating kabataan gang tumanda na tayo..
Bakit?
Kasi isa ito sa pinakadinarayong beach ng mga taga mogpog..
Ulong Beach para sa lahat ng okasyon..
Laging bukas na ating puntahan...
No entrance fee at ang mga cottages ay presyong kaibigan..
Presyong sulit..
Kapag tropa or kamag anak mo pa ang may ari...
Pagkatapos mong dalhan ng pansit iyong bayad, kahit iyong ipilit ay hindi tatanggapin..
Graduation, Holy week, Pasko or Bagong Taon..
Kahit nga walang okasyon..
Buong pamilya, magkaklase, tropang nagkaayaan or magjowa na nagpapalipas ng oras..
Lahat sila jan ang takbuhan..
Sa panahon ng ligaya nagtatampisaw sa dagat habang nagsasaya..
Sa panahon ng kalungkutan at kabiguan, mga jowang nagbreak or nag away..
Gustong magpakalunod habang ang luha na sing alat ng dagat ay nag uunahan sa pagtulo..
Pagkatapos ay babalik sa cottage para uminom ng Tanduay na mapait..
Kasing pait ng pighati ng puso mong nasawi..
Relate much ba kau guys?
Share naman kayo ng karanasan nyo jan..
Libreng magbahagi ng kwento nyo..
Walang bayad ito..
Hahahaha..
Pero sa kabila ng lahat pag tayo ay lilisan na sa dagat na iyan at uuwi na ay baon natin ang katiwasayan at luwag ng dibidib..
Sino ba ang nde narerelax sa pagbisita sa isang magandang tanawin at karagatan..
No comments:
Post a Comment